Opisyal na Kasulatan mula sa Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) Rolando Joselito D. Bautista

Featured, News 0 Comment 0

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa bawa’t isa po sa inyo na nagpaabot at nagpakita ng simpatya, pagkabahala at suporta para sa akin nitong nakaraang buwan ng aking matinding pagsubok dahil sa paninirang-puri at insulto na naidulot ng programang Tutok Erwin Tulfo nuong ika dalawampu’t walo ng Mayo ng taong 2019 na ipinalabas na simulkast sa Radio Pilipinas 738 KHZ at erwintulforeal Facebook page.

Ang inyong tiwala, paniniwala at pagbibigay-galang sa akin at higit sa lahat sa Akademiyang  Militar ng Pilipinas (PMA), Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army) at Kagawarang ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na aking pinagdaanan at pinaglingkuran ay siyang nag obliga sa aking magpasya ng ganito kasama ng mungkahi ng mga nakakatanda at aking mga kaibigan upang mabigyan ng karapat-dapat na pagbibigay galang at karangalan ang bawa’t isa po sa inyo na tumulong sa iyong abang lingkod.

Tinatanggap ko ang paghingi ng paumanhin ni Ginoong Erwin T. Tulfo alinsunod sa mga nakatakda na kailangan niyang gampanan sa lalong madaling panahon upang mapatunayan ang kanyang katapatan:

Hihingi ng paumanhin si Ginoong Erwin T. Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa kalahating pahina na kaniyang babayaran. Ipapalabas din niya itong paghingi ng paumanhin sa social media platforms katulad ng: Facebook, Twitter, Instagram at Youtube at sa mga estasyon ng radio katulad ng: DZBB, DZMM, Radio Singko News FM 92.3, DZRH at DZRB.

Magbibigay siya ng donasyon sa halagang hindi bababa sa tatlong daang libong piso (Php 300,000.00) sa lahat ng mga sumusunod sa halip ng pambayad ng danyos o bayad-pinsala sa pagkawasak ng aking pagkatao, reputasyon at pati na rin ng mga institusyon na aking kinatawanan o naging kaanib na binubuo ng mga sumusunod:

The Philippine Military Academy; The Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated; The Association of Generals and Flag Officers; The First Scout Ranger Regiment, PA; The Special Forces Regiment (Airborne), PA; The Light Reaction Regiment, PA; The Philippine National Police Special Action Force; The Philippine Naval Special Operations Group, PN; The Philippine Marines Special Operations Group, PN; The Philippine National Police Maritime Group; The Trust Fund for the City of Marawi’s Internally Displaced Persons (IDPs) to be administered by DSWD BARM; The Philippine Veterans Hospital; The AFP Victoriano Luna Medical Center; The Philippine National Police Camp Crame General Hospital; The Philippine Army General Hospital; The Philippine Navy General Hospital; The Philippine Air Force General Hospital; The Philippine Coastguard General Hospital; and An Educational Trust Fund for the deserving children of DSWD employees to be deposited at the Landbank.

Sa mga di ko nakilalang mga tao na naglaan ng panahon para suportahan ako; mga kasamahan ko sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP), Joint Task Force Marawi, Philippine Military Academy, Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated;  iba’t-ibang mga Stakeholders at mga Non-Government Organizations; mga kapwa empleyado ng gobyerno, kaibigan at kamag-anak,  ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagmamalasakit, tulong, dasal, gabay at pag-alalay na ipinagkaloob ninyong lahat sa akin.  Tatanawin ko po itong isang pagkakautangan ng loob sa inyong lahat. Ipapanalangin ko po na pagpalain kayong lahat ng Diyos at ni Allah.

Maraming salamat po muli!